Mga Talulot na Dugo - Kabanata 2
(Salin ni Romeo G. Dizon ng Petals of Blood ni Ngugi Wa Thiong'o)
- Pagkilala sa May-Akda
(Ngũgĩ wa Thiong'o - may akda)
Ipinanganak
noong Enero 5, 1938, si Ngũgĩ wa Thiong'o ay isang manunulat na Kenyan na
nagpasimula ng Mutiri, isang diyaryo na nakasulat sa wikang Gikuyu. Ang Gikuyu ay wika na sinasalita ng mga taong
Kikuyu sa Kenya.
Noong taong
1977, si Ngũgĩ ay nagsimula sa pagsulat
ng mga nobelang pang teatro. Sa kanyang
pagsulat nilayon ng manunulat na palayain ang teatro sa isang maling proseso na
ayon sa kanya ay pangmayamang pamamaraan ng edukasyon. Ginawang simple ni Ngũgĩ ang proseso ng
sining at ginanyak nito ang pagkakaroon ng interes sa sining maging ng mga
simple at ordinaryong.
Ang teatrong pang masa na sinimula ng
manunulat, na binasagang Ngaahika
Ndeenda, ay naging
matagumpay. Ngunit ito ay ipinasara,
pagkatapos lamang ng anim na linggo ng rehimen ng Kenya ng mga panahong iyon.
Hindi nagtagal
at ipinakulong si Ngũgĩ ng higit isang taon. Ang tinaguriang “Amnesty International Prisoner of Conscience” ay
lumisan ng Kenya at nagpunta sa Amerika kung saan siya ay nagturo ng
“Comparative Literature” at “Performance Studies” sa Yale University at New
York University.
Siya ay naging
kandidato sa prestihiyosong parangal na Nobel Prize in Literature.
- Uri ng Panitikan
Ang kuwentong “Mga Talulot ng
Dugo” ay isang nobela ayon sa sumusunod na kadahilanan:
- Ito ay naglalahad ng maraming pangyayaring kinasasangkutan ng isang pangunahing tauhan sa persona ni Godfrey Munira at iba pa.
- Ito ay isang mahabang kwento na kathang isip ni Ngũgĩ wa Thiong'o tungkol sa buhay ni Godfrey Munira at ang pakikisalamuha nito sa iba't -ibang tao sa isang lugar na tinatawag na Ilmorog, Kenya.
- Mayroon itong maliwanag at maayos na istilo ng pagkasulat ng mga tagpo at kaisipan.
- Pinupuna nito ang mga larangan ng buhay at maguni-guni ang paglalahad.
- Layunin ng May-Akda
(Mga Kikuyu sa isang paaralan sa Kenya)
Layunin
ng may akda na ipamalas sa mambabasa kung ano ang pananaw ng mga Kikuyu (tawag
sa mayorya ng populasyon ng Kenya) sa edukasyon. Ayon sa nobela, ang mga taong ito noong
sinaunang panahon ay hindi naniniwala sa kahalagahan ng edukasyon. Subalit ang
paniniwalang ito ay nababago din sa pamamagitan ng mangilan-ngilang tao na
katulad ni Godfrey Munira na may malalim na pagpapahalaga sa karunungang
ibinibigay ng edukasyon.
- Tema o Paksang Diwa
Ang tema nito ay tungkol sa mga sumusunod:
- Korapsyon - Isa sa mga pangunahing tema nito ay ang kabiguan ng mga "Kenyan elites" na matugunan ang pangangailangan ng mga tao. Sa nobelang ito, ang mga "Kenyan elites" ay gumanap bilang mga opisyal ng pamahalaan at mga negosyante na lumalabag sa mga tagabaryo ng Ilmorog sa parehong pasibo at agresibong paraan.
- Kapitalsimo - Sa nobela, makikita natin na ginamit ng mga nakatataas ("Kenyan elites) ang kanilang lakas upang pagsamantalahan ang kahinaan ng mga magsasaka. Dahil dito, napilitan ang mga magsasaka na ibenta at isangla ang kanilang mga lupa para lamang mabayaran ang kanilang mga utang.
- Agrikultura - Pagkatapos ng modernisasyon, ang mga lupa ng mga magsasaka ay binakuran at sinakop ng mga nakatataas ng hindi nila mabayaran ang kanilang mga utang. Ang mga tao ay naghimagsik sa mga nakatataas upang mabawi ang kanilang mga lupa at ari-arian.
- Edukasyon - Ang edukasyon ay madalas banggitin sa nobela. Si Munira ay isang guro, ngunit siya ay kulang sa kakayahan upang gabayan ang kanyang mga estudyante. Tinanggihan niya ang paniniwala ng iba na ang mga bata ay dapat turuan na maging isang Aprikano, bagkus ay dapat turuan sila tungkol sa pulitika at sa mga realidad sa buhay.
-
Godfrey Munira - Isang lalaking may tunay na pagpapahalaga sa edukasyon kung kaya’t siya’y ipinadala ng Supervisor ng Chiri sa Ilmorog upang baguhin at iangat ang sistema ng edukasyon dito. Nakasumpong si Munira ng mga batikos at discouragement na halos maging dahilan ng kanyang pagsuko sa isang magandang adhikain. Subalit sa huli ay nagpatuloy ito sa pangarap na bigyan nga pag-asa ang Ilmorog sa pamamagitan ng mas pinagandang sistema ng edukasyon.
- Abdulla - Dumating ang taong ito sa Ilmorog sakay ng karitong hila-hila ng asno at may dalang mga paninda. Pumaroon siya sa maliit na bayan upang muling buksan ang tindahang noon ay pag-aari ni Dharamshah. Ang tindhan ni Abdulla ay naging tambayan para sa inuman ng mga pastol tuwing araw ng Sabado o Linggo.
- Njunguna’y - Isang magsasaka na nangangarap maging maginhawa sa buhay sa pamamagitan ng pagsasarili sa basal o pambalanang lupain (mga pastulang walang pang nagmamay-ari). Hindi natupad ang pangarap na ito sapagkat wala nang basal na lupain matapos na ito ay angkinin ng mga dayuhan noong panahon ng kolonyalismo. Nangarap din siyang maging maginhawa sa tulong ng mga anak, subalit hindi rin ito nangyari dahil ang kanyang mga anak (lalaki lamang ang kanyang mga anak) ay nagpuntahan sa bukirin ng Europa o sa malalaking nayon.
- Tagpuan at Panahon
(Ilmorog, Kenya)
Ang
nobela ay naganap sa bayan ng Ilmorog, Kenya noong 1920 matapos ang
kolonyalismo ng bansang Europa.
Binanggit sa nobela na ang mga lupang pambalana ay naubos na matapos ang
kolonyalismo. Binanggit din sa bandang
huli ng nobela ang tungkol sa mga klub na tanging nakalaan sa mga Europeo. Ang mga pangungusap na ito ay nakatulong
upang magkaroon ng paglalahat na ito ay nangyari sa nasabing taon.
Ang klima ay mainit. Pinatutunayan ito kung paano inilarawan ang
kalagayan ng lugar sa unang bahagi ng nobela.
Sinasabi dito na ang panahon ay maalikabok, bagay na naaangkop lamang
sabihin sa panahong mainit.
- Nilalaman/Balangkas ng mga Pangyayari
Una
Dumating
si Godfrey Munira upang siyasatin ang kalagayan ng paaralan na kanyang
pagtuturuan. Hindi naging maganda ang
pagsalubong sa kanya ng mga tao. Marami
sa kanila ay nagtataka sa naging desisyon na Munira na magturo sa maliit na
bayang ito at sila ay nagdududa sa kakayanan ni Munira na matagal sa bayang
iyon. Sa kabila ng hindi magandang kalagayang pisikal ng paaralan na kanyang
pagtuturuan at sa malamig na pagtanggap sa kanya ng mga residente, nanatiling
umaasa si Munira na magagawa niya ang magandang pagbabago na hangad niya para
sa mga kabataan.
Gitna
Ginanyak ni Munira
ang mga bata na pumasok sa paaralan.
Nakilala ni Munira ang mga residente ng bayang Ilmorog at kinumbinsi na
suportahan ang paaralan na kanyang pamumunuan.
Hindi natanggap ng guro ang hangad na suporta sapagkat ang mga tao ay
nakatuon ang pansin sa kanilang mga kabuhayan.
Unti-unting nakaramdam si Munira ng kawalan ng pag-asa sa katuparan ng
kanyang pangarap para sa mga kabataan ng Ilmorog. Naglaro din sa isipan niya ang pagbibbitiw o
pagpapalipat sa ibang paaralan.
Wakas
Kapos
sa pag-asa, binisita ni Munira ang tanggapan ni Mzigo, Supervisor ng Distrito
ng Chitri, upang ilabas ang kanyang pagkadismaya sa kalagayan ng paaralan kung
saan siya ay ipinadala. Napalitan ng pag-asa ang lumbay na kanyang nadarama sa
hindi inaasahang pasasabi ng Supervisor ng kanyang plano na bisitahin ang lugar
at ang pagbibigay ng pangako na susuportahan ang mga hakbang na gagawin ni Munira.
Kasama sa mga hakbang na ito ay ang
pormal na paghirang sa mga UTs bilang guro. Sumibol kay Munira ang pag-asa at
ang higit na pag-alab ng damdaming tulungan ang mga residente ng Ilomorog.
- Teoryang Pampanitikan na Angkop sa Akda
Ang nobelang ito ay mayroong teoryang tulad ng mga sumusunod:
- Realismo - Ipinakita sa nobelang ito ang mga pangyayaring nasaksihan ng may akda (Ngugi Wa Thiong'o) sa kanyang lipunan. Ilan sa mga ito ay tungkol sa katiwalian ng gobyerno at "westernization"
- Eksistensyalismo - Ipinamalas din dito na ang mga karakter ay nagkaroon ng iba't ibang desisyon para sa kanilang sarili. Tulad na lamang ni Munira, pinili niya parin ang tumulong at ituloy ang kanyang magandang adhikain kahit na hindi siya tanggap ng mga tao at nakatanggap pa ng mga batikos mula sa mga ito.
- Sosyolohikal - Si Ngugi Wa Thiong'o ay mula sa bansang Kenya. At sa kanyang akdang "Mga Talulot na Dugo", makikita natin ang kalagayan at suliraning panlipunan na nararanasan ng kanyang bayan.
URI NG PANITIKAN (WOYENGI: SA KAHARIAN NI ISEMBI)
Itong kwento na ito ay isang dula sapagkat nilalarawan nito ang pamumuhay ni Woyengi na isang diyosa sa Africa."Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit." -Matthew 5:16
♥KATAPUSAN♥
Group 2 Members (Contributors Only):
Katrina V. Ighut
Monique Milla
Irishian Gaza
Danber de Jesus
No comments:
Post a Comment