Sanaysay

Handa Akong Mamatay

Pagkilala sa may-akda
Si Nelson Mandela ay isang South African anti-aparteid rebolusyonaryo, politiko at pilantropa na naglingkod bilang pangulo ng South Africa mula 1944 hanggang 1999. Siya ay ang unang itim na pangulo ng stadi at ang unang inihalal sa isang ganap na kinatawang demokratikong halalan. Ang kanyang pamahalaan na nakatutok san pagtatanggal-tanggal ng legacy ng aperteid sa pamamagitan ng pagalakay ng kapootang panlahi. Isang African makabayan at sosyalista, siya ay nagsilbi bilang pangulo ng African Nation Congress (ANC) partido noong 1991-1997.

Uri ng Panitikan
Ito ay isang uri nang sanaysay. Ano nga ba ang sanaysay? Ang sanaysay ay isang mailking komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuro-kuro ng may akda. Masasabi din itong pormal na sanaysay. Ang pormal ay tinatawag ding impersonal ay naghahatid ng mahalagang kaisipan o kaalaman sa agham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay. Ang "Handa Akong Mamatay" ay isang halimbawa nito. Dahil ito ay nagpapahayag ng mga opinyon tungkol sa mga kaganapan sa South Africa.

Layunin ng akda
Maraming gustong ipahiwatig o sabihin ang pangulo ng Timog Africa na si Nelson Mandela. Unang una na dito ang kagustuhan niyang itigil na ang diskriminasyon sa mga Aprikan na ang tingin sa kanila ay ipinanganak para maging alipin, na kahit karapatan man lan nila sa kanilang kalupaan o bansa ay pinagkakait o inaagaw pa ng mga puti, ang gusto lang naman ng mga ito ay mamuhay ng normal katulad ng ibang tao, normal na trabaho, normal na pagkakailala at pantay na pagtinmgin sa puti at aprikan.

Tema o Paksang Diwa
Ano nga ba ang aral na makukuha mula dito? Unang una sa lahat ay ang pagtigil sa pagpapalaganap nang pangaabuso o pagmamalabis sa kapangyarihan, dahil unang una sa lahat ay ipinakita sa akda na labis na pinahirapan ng mga dayuhan ang mga taga-Africa na kahit karapatan nila mismo ay kanilang sinuway. Pangalawa ay ang paglaganap nang diskriminasyon, sapagkat ipinakita din sa akda na may pinahahalagahan ng mga dayuhan ang kanilang mga sarili kaysa sa kapwa nila tao, at mas pinagtutuunan nila nang pansin ang kanilang mga kababayan imbes na magtulungan upang umunlad ang ating pagsasama.

Tauhan o Karakter sa Akda
Ang mga Puti
-Hindi man ito direktahang salita, sila ang mga taong namumuhay sa karangyaan. 

Mga Aprikan
-Sila naman ay namumuhay sa karukhaan, ang mga taong pinagkaitan ng karapatan at kalayaan dahil sa kanilang lahi.

Tagpuan at Panahon
Ang tagpuan ay naganap sa South Africa, maraming panahon ang mayroon sa akdang ito kabilang na ang mga sumusunod. Hunyo 1961 nang giniit ang pagbabago sa polisiya ng National Liberation Movement at nakatala ng 58,491 na bagong kaso ng kamatayan sa sakit na tuberkulosis noong 1963 tinatayang 40% ng batang African mula sa edad 7-14. Noong 1960-1961 ang ginastos ng pamahalaan. Noong 1962 5660 na batang African ang pumasa sa kanilang Senior Certificate, 1953 nagkaroon nang debate tungkol sa Banty Educational Bill.

Nilalaman/Balangkas ng mga pangyayari
Ang nialalaman ng akdang ito ay pumapatungkol sa paghihrap na dinaranas ng mga African sa kanilang sariling bansa. Sinasabi din dito na dumarating sa buhay ng isang bansa na kailangan niyang mamili: Ang yumuko o lumaban. Pag-yuko dahil tatanggapin na lamang nila ang kanilang kalayaan at hindi na lalaban pa dahil alam ilang wala silang kapangyarihan laban sa pamahalaan o lumaban para sa kanilang mga karapatan na ipinagkakait sa kanila sa sariling bansa. Maraming mamamayan sa South Africa ang nakakaranas ng matinding kahirapan at mga matitinding sakit, dahil dito isinalaysay din ng akda na ang mga puti sa South Africa ay mas mayroon pang karapatan kumpara sa mga African na sariling naninirahan dito. Ang pamahalaan pa mismo ang hindi gumagawa ng aksyon patungol dito dahil sinasabi pa nila na mas maayos kalagayan ng mga nasa South Africa kumpara sa nasa iba pang panig ng bansang ito. Sa kabuuan, ang mas gusto ng mga African ay magkaroon ng pantay na karapatan na tinatangga ng mga puti sa kanilang sariling bansa.

Teoryang Pampanitikan na ankop sa akda
Ang naaangkop na teorya sa akdang ito ay ang Realismo at Sosyolohikal. Ang Realismo ay nagpapakita ng mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kaniyang lipunan. Ang Sosyolohikal naman ay nagpapakita ng kalagayan at surilaning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Sa "Handa Akong Mamatay" ay nagpapakita ng diskriminasyong nangyayari sa kanilang lipunan. Ipinapakita o inilalahad ng pangulo ng Aprika na mas mayroon pang karapatan ang mga puti kaysa sa mga mamamayan ng Timog Aprika.

Woyengi: Sa Kaharian ni Isembi

Pagkilala sa may-akda
Si Obotunae Ijimere, na kilala bilang Ulli Beier, ay isang Aleman Jewish editor, manunulat at iskolar na may isang nangungunang papel sa pagbuo ng panitikan, drama at tula sa Nigeria, pati na rin ang panitikan drama at tula sa Papua New Guinea. Ang kanyang ikalawang asawa, Georgina Beier, ipinanganak sa London, ay nagkaroon ng isang katulad na papel sa pag-stimulate ng visual arts sa panahon ng kanilang paninirahan sa parehong Nigeria at Papua New Guinea.

Uri ng Panitikan
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang halimbawa naman ng dula ay "Woyengi: Sa Kaharian ng Isembi" Ang tagpuan ng dulang ito ay sa gubat sa Eksena II ipinapakita ang pag-uusap ni Ogboinba at Isembi. 

Layunin ng akda
Ang mensahe ni Obutunde Ijimere sa dulang "Woyengi: Sa Kaharian ni Isembi" ay isang bhay malakas man, mayaman o mahirap, matalino man o mangmang, ang bawat buhay ay mahalaga man tao, hayop at halaman sa mundo.

Tema o Paksang Diwa
Huwag maging mayabang sapagkat hindi mo alam minsan na mas malakas pa sa iyo ang kalaban mo at ikaw pa ang mapipinsala at mapapahamak dito.

Tauhan o Karakter sa Akda
Isembi
-Hari ng kagubatan, nakadamit siya ng parang sa mangangaso subalit magarbo.

Ogboinba
-Sinusundan ng dalawang espiritung kapangyarihan.

Tagpuan at Panahon
Ang kanilang tagpuan ay sa gubat.

Nilalaman/Balangkas ng mga pangyayari
Ang dulang ito ay naganap sa gubat. Ipinapakita dito ang pag-uusap na naganap sa pagitan ni Ogboinba at Isembi. Si Isembi ay ang hari ng kagubatan at sinasabi niyang siya ang pinaka makapangyarihan sa lahat. Habang si Ogboinba naman ay isang babae na may dalawang espiritung kapangyarihan na sumuway sa kanya at sinasabing hindi siya sunod-sunuran dito. Ipinapakita lamang nito ang hindi pagkakaroon ng pantay na pagtingin sa kababaihan. Nagawang kalabanin ni Ogboinba si Isembi dahil alam niya sa kanyang sarili kung ano ang kanyang kakayahan at hindi na niya kailangan pa ng iba upang idikta ang kanyang kapabilidad.

Teoryang Pampanitikan na ankop sa akda
Ang naaangkop na teorya sa istoryang "Woyengi: Sa Kaharian ni Isembi" ay feminismo sapagkat ipinapakita ang kalakasan at kakayahan ng isang babae na nagngangalang Ogboinba na kahit isa siyang babae ay kaya niyang talunin si Isembi.


Ihinandog sa inyo ng pangkat 3

Mga kinatawan ng pangkat at mga naiambag:
Brian Sespene- Encoding, Pagsusuri sa may-akda
Reina De Guzman- Uri ng Panitikan
Andre Lazaro- Layunin ng Akda
Alrhenea Mangulabnan- Tema o Paksang Diwa
Beaver Buenaflor- Tauhan o Karakter sa Akda
Keith Garcia- Tagpuan at Panahon
Chiara Sagunos- Nilalaman/Balangkas ng mga Pangyayari
Richellyn Calica- Teoryang Pampanitikan na angkop sa akda
Allison Dela Cruz- Paggawa ng Draft



No comments:

Post a Comment